Plunder case na isinampa sa Ombudsman laban kay VP Sara Duterte, tinawag na rehashed ng PDP

Tinawag ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na rehashed ang kasong plunder na inihain kanina sa Office of the Ombudsman ng ilang grupo laban kay Vice-President Sara Duterte.

Ayon kay PDP Deputy Spokesman Atty. Ferdinand Topacio, mistula ring libangan ito lalo na’t ni-recycle lamang ang akusasyon laban kay VP Sara.

Tila itinaon din aniya ito sa pagbibigay ng Commission of Audit (COA) sa Office of the Vice President (OVP) ng pinakamataas na rating sa audit at malinis na bill of health sa aspeto ng accountability.

Sinabi pa ni Topacio na kung gusto talaga ng mga naghain ng kaso na magkaroon ng hustisya sa mga nawalang pondo ng bayan, ang una nilang habulin ay ang mga sangkot na kongresista.

Tinawag din ng partido na lapdog ang kasalukuyan Ombudsman kung saan binabaluktot aniya nito ang batas para lamang masunod ang mga utos ng kanyang trainer at master, na si Pangulong Bongbong Marcos.

Mistula rin aniyang natataranta na ang administrasyon dahil nalalapit na ang pagiging susunod na pangulo ni VP Sara, habang patuloy namang bumabagsak ang credibility at trust ratings ng administrasyon.

Facebook Comments