Plunder case ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, tuluyan nang binasura ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang plunder case ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

May kinalaman ito sa maling paggamit ng pondo ng PCSO.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, sa pamamagitan ng botong 11-2, tinanggihan ng SC ang Motion for Reconsideration para baliktarin ang desisyon nito noong Hulyo na nagpapawalang sala kay CGMA sa kaso.


Matatandaang inakusahan ang dating Pangulo ng pakikipagsabwatan sa ilang opisyal ng PSCO sa paggamit ng P355 million na PCSO intelligence funds mula 2008 hanggang 2010.

Sabi pa ni Te, ibinasura ang kaso laban kay Arroyo dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nation

Facebook Comments