Manila, Philippines – Pinasusumite ng Sandiganbayan First Division ang Office of the Special Prosecutor ng komento kaugnay sa Motion for Reconsideration na inihain ng pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Matatandaang hinatulan si Napoles na ‘guilty’ sa kasong plunder, kasama si Richard Cambe, chief of staff ni dating Senador Bong Revilla Jr.
Dito ipinag-utos ng korte na ilipat si Napoles mula Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Si Cambe naman ay ikinulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Naghain si Napoles ng apela na huwag siyang ilipat ng piitan dahil sa matinding banta sa kanyang buhay at seguridad.
Binibigyan ng Sandiganbayan ang Office of the Special Prosecutor na makapagkomento sa loob ng 10 araw.