PLUNDER CASE | Pork Barrel Queen Napoles, humiling na makapagpiyansa

Manila, Philippines – Humiling ang Pork Barrel Queen na si Janet Lim-Napoles sa Korte Suprema na payagan siyang makapagpiyansa kaugnay ng 224 million pesos plunder case sa Sandiganbayan first division.

Kasama ni Napoles si dating Sen. Bong Revilla Jr. at iba pang indibidwal na dawit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Pork Barrel Scam.

Nakasaad sa Supplemental Petition ng kampo ni Napoles ang desisyon ng korte noong 2017 kung saan na-dismiss ang Plunder Case laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagkakasangkot sa maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.


Ipinunto ng kampo ni Napoles na walang public office ang naakusahan bilang main plunderer sa kaso.

Facebook Comments