Manila, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court ang naunang desisyon ng Sandiganbayan na kumpiskahin ang P224.5 million assets dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. at maybahay nitong si Bacoor Mayor Lani Mercado
Ito ay kaugnay ng plunder case ni Revilla sa anti-graft court na nag-ugat sa pork barrel fund scam.
Iginiit ng SC na walang naging pag-abuso ang Sandiganbayan nang mag-isyu ito ng “writ of preliminary attachment” sa P224.5-million na salapi at ari-arian ng mag-asawang Revilla.
Taong 2015 nang mag-isyu ang Sandiganbayan ng attachment para ma-secure ang assests ng mga Revilla sakaling manalo ang pamahalaan sa kaso.
Facebook Comments