Plunder cases ng alkalde at bise alkalde ng Ozamis, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan 5th division ang kasong plunder laban kina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., at ang anak nitong si Vice Mayor Nova Princess Parojinog.

Ang kaso laban sa mag-ama ay kaugnay ng maanomalyang gymnasium project na ipinagkaloob sa kumpanyang pagmamay-ari ng kanilang pamilya noong 2008.

Sa resolusyon ng korte, pinagbigyan nito ang motion to quash ng mga Parojinog dahil sa kabagalan ng Ombudsman sa pag-iimbestiga at paghahain ng mga kaso.


Bigo rin umano ang prosekusyon na magbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa pag-award ng nabanggit na proyekto sa Parojinog & Sons Construction Company.

Gayundin, hindi rin napatunayan na nagkaroon ng partisipasyon at financial interest ang mga Parojinog sa bidding ng proyekto na mismong DPWH ang nagsagawa.

Naunang binansagan ni Pangulong Duterte ang mga Parojinog na narco-politicians kung saan sinasabing ang bise alkalde ay sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid dahil kasintahan ito ng drug lord na si Herbert Colangco at tinukoy naman ng Pangulo ang Mayor na kabilang sa mga opisyal na dawit sa iligal na droga.

, Conde Batac

Facebook Comments