PLUNDER | Dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Health Sec. Janette Garin, posibleng masama sa plunder case na isasampa ng VACC

Manila, Philippines – Posibleng masama sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Health Sec. Janette Agarin sa mga opisyal na sasampahan ng plunder ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Ayon kay VACC Atty. Ferdinand Topacio, isinasapinal pa nila ang listahan na ihahain nila sa mga susunod ng linggo sa Dept. of Justice.

Maliban kina Aquino at Garin, mayroon rin aniya silang ibang person of interest na isasama sa kaso na bahagi ng mafia sa DOH.


Sinabi pa ni Topacio na may nakita silang ibang paglabag na pwede nilang gamitin bilang ground para sa ihahain nilang isa pang reklamo.

Facebook Comments