PLUNDER | Desisyon ng Sandiganbayan, walang epekto sa mga kaso nina Enrile, Jinggoy Estrada

Manila, Philippines – Hindi magiging basehan sa mga plunder cases ng mga dating senador na sina Juan Ponce Enrile at Jose “Jinggoy” Estrada ang naging desisyon ng Sandiganbayan na nagpawalang sala kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kasong plunder.

Ito ang binigyan diin ni Atty. Edgar Avila, isa sa mga consultant ng legal team ng senador.

Ayon kay Avila, magkaiba ang “outcome” o magiging desisyon ng anti-graft court sa kaso nina Enrile at Estrada mula sa naging desisyon nito sa kaso ni Revilla dahil magkakaiba ang “circumstances” ng pagkakadawit ng tatlong dating senador sa pork barrel scam.


Aniya, sa kaso ni Revilla ay walang matibay na ebidensya na magpapakita ng direktang transaksyon nito sa sinasabing pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles.

Maaalalang nahaharap ang tatlo sa kasong plunder dahil sa umano ay papel ng mga ito sa multibillion-peso pork barrel scam.

Facebook Comments