Manila, Philippines – Hindi kinatigan ng Korte Suprema ang hirit nina dating Senador Bong Revilla, Janet Lim Napoles at Richard Cambe na payagan silang magpiyansa sa kasong plunder.
Ayon sa Supreme Court (SC), mabigat ang ebidensya hinggil sa sabwatan sa pagitan nina Revilla, Napoles at Cambe kaya hindi sila karapat dapat na pagkalooban ng constitutional right na makapagpiyansa sa plunder case.
Sa ilalim kasi ng batas ay hindi bailable o hindi pinapayagang makapagpiyansa ang mga akusado sa kasong pandarambong.
Una nang ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ng tatlo na makapagpiyansa kaugnay ng pork barrel scam na nagkakahalaga ng P224.5-million.
Wala ring nakikita ang Korte Suprema na pag abuso ng Sandiganbayan sa desisyon nitong huwag pagbigyan ang mga akusado sa kahilingan nilang mailipat ng kulungan.