Saturday, February 21, 2026

PMA Alumni Homecoming 2026, isinagawa ngayong araw

Ngayong araw ay isinagawa ang Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming 2026 sa loob ng Fajardo Grandstand, Baguio City.

Dinaluhan ito ng mga alumni ng PMA mula sa Philippine Army, Navy, Air Force, at Philippine National Police (PNP).

Aabot sa humigit-kumulang 4,800 katao ang dumalo sa nasabing event, kung saan mahigit 1,700 dito ay mga alumni.

Kabilang sa dumalo si PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na isa ring alumnus ng PMA Tanglaw-Diwa Class of 1992.

Samantala, ang dating PNP chief at ngayon ay Senador na si Ping Lacson ang nagsilbing guest of honor and speaker para sa taong ito.

Kaugnay nito, ayon kay PMA Superintendent VADM Caesar Bernard Valencia, batay sa tema ng homecoming ngayong taon na “Fostering Unity and Excellence; Strengthening Bonds and Advancing Tradition,” nangangahulugan ito na ang pagkakaisa ay isang aktibong commitment na magbuklod sa iisang prinsipyo.

Dagdag pa niya, ang pagkamit ng kahusayan ay hindi lamang isang achievement kundi patuloy na nakaangkla sa disiplina ng bawat isa.

Facebook Comments