Friday, February 27, 2026

PMA cadet, nagtapos sa Republic of Korea Air Force Academy; kinilala bilang “Strongest Cadet”

Matagumpay na natapos ni Cadet Euniño Joaquin Manuel ang kanyang cadetship sa Republic of Korea Air Force Academy (ROKAFA) sa South Korea nitong Pebrero 25.

Si Cadet Manuel ay 24 na taong gulang, mula sa Cabuyao, Laguna, at miyembro ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024.

Pinadala siya sa ROKAFA noong January 21, 2022, para ipagpatuloy ang kanyang edukasyon at cadetship training sa ilalim ng Philippines-Republic of Korea defense cooperation framework kung saan siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Mechanical Engineering.

Sa kanyang panahon sa ROKAFA, siya ay kinilala bilang “Strongest Cadet” sa 6 na semesters.

Kaugnay nito, sa kanyang pagbabalik, siya ay kukumisyon bilang Second Lieutenant sa Philippine Air Force.

Facebook Comments