PMA, isinusulong ang pagkakaroon ng national vaccination day for children

Suportado ni Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benito Atienza ang pagkakaroon ng National Vaccination Day for Children.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Atienza na may mga magulang pa rin kasing mayroong agam-agam o ayaw magpabakuna.

Malaking tulong aniya ito upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang lahat.


Nakikiusap din ito sa mga magulang na magkaroon ng panahon sa kanilang mga anak kapag sila na ang babakunahan.

Ang iba kasi aniya ay hindi madala ang kanilang mga anak sa vaccination sites sa rasong may pasok sila sa trahaho.

Maliban dito, hangad din ni Dr. Atienza na ihiwalay ang pagbabakuna sa mga adult at bata, ito ay dahil ang mga adult kasi ay karamihan ay kumpleto na ng bakuna at ang iba ay mayroon ng booster shot.

Nabatid na magsisimula na sa Pebrero ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Facebook Comments