Nagsumite na ng kanyang resignation si Philippine Military Academy Supt. Lt. Gen. Ronnie Evangelista.
Ang pagbibitiw nito sa pwesto ay inanunsyo mismo ni Evangelista sa isang Press Conference sa Baguio City.
Aniya, dahil naisampa na ang mga kasong kriminal at administratibo sa mga suspek sa ginawang hazing kay 4th class Darwin Dormitorio ay naghain na siya ng resignation.
Kinumpirma rin ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na bukod sa pagbibitiw sa pwesto ni Evangelista, nagresign din si PMA Commandant of Cadets na si Brig. Gen. Bartolome Bacarro.
Facebook Comments