Itinalaga si PMajor Gen. Benjamin Acorda Jr., bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief.
Nakasaad ito sa General Order na pirmado ni PMaj. Gen. Robert Rodriguez, director for personnel & records management.
Epektibo ang kautusan simula ngayong araw, April 24, 2023.
Si Acorda ang papalit kay outgoing PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., na nakatakdang magretiro ngayong araw.
Nabatid na si Acorda ang ika-29 na pinuno ng Pambansang Pulisya.
Facebook Comments