Nakakulong na ngayon sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.
Si Mayo ang intelligent officer ng PNP-Drug Enforcement Group na naaresto sa drug operation sa Maynila noong October 2022 at sinasabing may-ari ng WPD lending company na nagsilbing imbakan ng nakumpiskang P6.7B ilegal na droga.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, si Mayo ay nasibak sa serbisyo dahil sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Sa ngayon, ani Fajardo ay nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso nito na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Matatandang kahit na hiningan ng paliwanag at pinagsasalita, sinabi ni Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na hindi na dinepensahan pa ni Mayo ang kanyang sarili at wala rin itong sinabi na ibang detalye sa mga posibleng kasabwat nito sa loob ng PNP.