Magpapatuloy ang maritime patrols ng mga barko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tiniyak ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sa kabila ng pag-alis ng BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Escoda shoal.
Ayon kay Trinidad, hindi nawala ang presensya ng barko ng China sa lugar, na mas lalo pa umanong dumami mula nang ipatupad ng AFP ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept o CADC.
Sa kabila nito, pinawi nito ang pangamba ng publiko at sinabing nasa “close monitoring” nila ang Escoda shoal at ang kabuuan ng WPS.
Bukod sa maritime patrols, magpapatuloy din ang surveillance flights ng Philippine Navy katuwang ang Philippine Airforce aircraft sa WPS.