PN, namataan ang 4 na barko ng CCG sa Bajo de Masinloc

Namataan ng Philippine Navy (PN) ang paglapit ng tatlong Chinese Coast Guard o CCG sa Bajo de Masinloc pati na sa kanlurang bahagi ng Zambales.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, huling namataan ang tatlong CCG sa layong 2 nautical miles mula sa Panatag Shoal at ang isa naman ay nasa kanluran ng mainland ng Luzon sa layong 50 nautical miles.

Kaugnay nito ayon kay Trinidad, wala dapat ipangamba ang bansa dahil patuloy ang isinasagawang monitoring ng Navy sa aktibidad ng mga nasabing barko.

Dagdag pa ni Trinidad, maaring lumikas na rin ang mga nasabing barko dahil sa nagdaang bagyo.

Ayon pa sa kanya, tinangkang magdala ng aircraft ng AFP Northern Luzon Command para hamunin ang Tsino ngunit nabigo ito dahil sa sama ng panahon.

Samantala, sa huling monitoring ng ahensya nasa 30 barko ng China ang nakita sa West Philippine Sea bago pa man tumama ang bagyo sa bansa.

Facebook Comments