PN, nasagip ang mga mangingisdang 3 araw nang palutang-lutang sa karagatan

Nailigtas ng Philippine Navy (PN) ang anim na mangingisda na tatlong araw nang stranded sa laot matapos masiraan ng makina ang kanilang bangka sa Davao Gulf.

Habang nagsasagawa ng routine patrol nitong April 1, nadiskubre ng BRP Herminigildo Yurong (PG 906) ang palutang-lutang na fishing boat na F/B Lydia 001, nasa 2.7 nautical miles mula sa Kaganuhan Point, Governor Generoso.

Ayon sa kapitan ng bangka, nagmula sila sa General Santos City patungong Mati nang magkaroon ng aberya ang makina ng sinasakyan nilang fishing boat.

Agad naman silang sinaklolohan ng PN kung saan pinainom at pinakain ang mga nasagip na mangingisda bago dinala sa pinakamalapit na ospital.

Facebook Comments