PNA, nanganganib matanggalan ng budget o mabuwag dahil sa mga pagkakamali

Manila, Philippines – Pinabubuwag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang Philippine News Agency matapos ang nakailang ulit na pagkakamali nito.

Sa pagkakataong ito, pinayuhan ng kongresista na magtino ang PNA at nagbabalang kung hindi ay irerekomenda ang pagbuwag dito.

Kung hindi anya maaasahan ang pna sa pagbibigay ng tama, pwede itong balasahin o tuluyan nang lusawin.


Kung mauulit pa aniya ang kapalpakan ng ahensya, mas mabuting alisan ito ng budget sa 2018 sa pagsalang ng pambansang pondo sa plenaryo.

Pinakahuling pagkakamali ng PNA ay ang paggamit ng logo ng DOLE Philippine para sa Department of Labor and Employment.

Aminado naman si PCOO Secretary Martin Andanar sa pagkakamali at hiyang-hiya ito sa kapalpakan ng PNA.

Facebook Comments