PNoy, ibinigay ang ‘best’ para pagsilbihan ang mga Pilipino – ayon kay Pangulong Duterte

Binigyang pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang namapayang si dating Pangulo Benigno S. Aquino III.

Si Aquino ay ika-15 pangulo ng Republika ng Pilipinas, pumanaw nitong Huwebes ng umaga sa edad 61.

Ayon kay Pangulong Duterte, ibinigay ni dating Pangulong Aquino ang kanyang “best” para sa Sambayanang Pilipino.


Nakikisa si Pangulong Duterte sa buong Sambayanang Pilipino sa pagluluksa sa pagpanaw ng dating pangulo.

Gamitin aniya ang pagkakataong ito para magkaisa sa panalangin at isantabi ang pagkakaiba ng bawat isa.

“Let us take this opportunity to unite in prayer and set aside our differences as we pay respects to a leader who has given his best to serve the Filipino people. His memory and his family’s legacy of offering their lives for the cause of democracy will forever remain etched in our hearts,” sabi ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments