PNoy, isang mabuting kaibigan at tapat na Pangulo – VP Robredo

Ikinalulungkot ni Vice President Leni Robredo ang pagpanaw ni Dating Pangulong Noynoy Aquino,

Ayon kay Robredo, isang mabuting kaibigan si Aquino at isang tapat na pangulo na nagsulong ng mga repormang hindi popular sa publiko.

Inalala rin ng bise presidente ang pagdamay sa kanila ni PNoy noong namatay sa plane crash ang kanyang asawang si dating Interior Secretary Jesse Robredo noong 2012.


Ipinakita rin ni PNoy ang kanyang kabaitan sa kanyang mga anak at tinitiyak na maibibigay ang kanilang pangangailangan.

Wala aniyang “historical distortion” ang makakapagbago sa katotohanan na ang mga naging desisyon ni dating Pangulong Aquino ay para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

Bukod kay Robredo, una nang nagpaabot ng pakikiramay ang ilang dati at kasalukuyang opsiyal ng pamahalaan, mga dati at ngayo’y miyembro ng gabinete, mga mambabatas, at ilan pang kilalang personalidad.

Facebook Comments