Pnoy Kinumpirmang May Plano Ang Abu Sayyaf Group Na Dukutin Ang Kapatid Niyang Si Kris Aquino At Si Saranggani Cong. Man

9

MANILA -Kinumpirma ni Pangulong Noynoy Aquino na nakakuha sila ng impormasyon na may plano ang Abu Sayyaf Group (ASG) na dukutin ang ilang personalidad kabilang na sina Sarangani Cong. Manny Pacquiao at Kris Aquino.Kasabay nito ay ipinag-utos ng pangulo ang paggamit ng lahat ng resources ng pamahalaan para tapusin ang bandidong grupo.Ayon kay PNoy, personal na rin siyang nagpadala ng liham sa pamahalaan ng Canada at sa pamilya ng pinugutan ng ASG na si John Ridsel .Laman ng nasabing liham ang pagtiyak na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nasabing biktima.Ipinaliwanag naman ni Pangulong Aquino na bukod kina Pacquiao at Kris, target din ng Abu Sayyaf na dukutin ang anak ng nasabing mga personalities dahil sa pag-asang kikita sila ng malaking halaga sakaling matupad ang kanilang plano.Inihayag din ng pangulo na plano ng Abu Sayyaf na siya’y patayin kapag nakakuha ng pagkakataon base sa kanilang mga nakuhang impormasyon.Sa tala ng AFP, pinaniniwalaang aabot pa sa 22 mga dayuhan ang bihag ngayon ng Abu Sayyaf.

Facebook Comments