Pnoy, Nagpaalam Na Sa Malacañang

5

MANILA – Nagpaalam na si Pangulong Benigno Aquino III sa ibang grupong panauhin sa Palasyo ng Malacanang, kaninang umaga.Sa kanyang talumpati, nanindigan si Pangulong Aquino na taas-noo siyang bababa sa kanyang pwesto matapos ang anim na taong panunungkulan.Aniya, kampante at mata sa mata umano niyang masasabi na tumupad siya sa mandato na ibinigay sa kanya ng taumbayan.Dagdag pa nito, sa nalalabing 43 na araw sa pamahalaan, tuloy-tuloy umano ang kanyang pagtatrabaho at mananatili siyang totoo sa kanyang mandato.Matatandaang kasabay ng kanyang talumpati, pormal nang nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10821 o ang Children’s Emergency Relief and Protection Act.

Facebook Comments