Pnoy, Nagsimula Nang Mag-Empake Sa Malacañang

10

MANILA – Nagsimula nang mag-empake ng kaniyang mga gamit si Pangulong Noynoy Aquino bilang paghahanda sa nalalapit na pagtatapos ng kaniyang termino.Ngayon pa lang ay nakahanda ng umuwi ang pangulo sa kanyang bahay sa Times Street sa Quezon City.Ayon kay PNoy, sinimulan na niya ang pagliligpit ng mga gamit sa tulong ng kaniyang mga tauhan.Ayon sa pangulo, hindi pa niya pinaliligpit ang kaniyang sound system sa bahay pangarap dahil ginagamit niya itong pantanggal stress.Maliban naman sa pag-alis sa palasyo, kabilang sa mga gustong gawin ni PNoy bago umalis sa palasyo ay ang anyayahan sa isang pananghalian o hapunan ang mga miyembro ng kanyang gabinete bilang pasasalamat sa paglilingkod sa kanyang administrasyon.

Facebook Comments