Pnoy, Napikon Sa Puna Ng Mga Kritiko Na Wala Siyang Empathy

4

MANILA – Tila napikon si Pangulong Noynoy Aquino sa matagal nang alegasyon ng kanyang mga kritiko na wala siyang “empathy” o pang-unawa sa mga nangyayari sa kanyang paligid.Ayon sa pangulo, pinahanap at inalam niya ang ibat ibang depenisyon ng salitang empathy at hindi niya maintidihan kung saan nanggagaling ang nasabing banat.Aniya, walang basehan ang nasabing puna laban sa kanya – inihalimbawa pa nito ang ginawa niyang pagpunta sa tacloban city pagkatapos ng bagyong Yolanda.Ipinaliwanag rin ni Pnoy ang naging aksyon niya sa Zamboanga City kung saan umatake doon ang Moro National Liberation Front (MNLF).Sabi ng pangulo, kung ang hinahanap ng kanyang mga kritiko ay umiyak o di kaya ay magdabog siya sa mga nasabing pagkakataon ay hindi niya ito gagawin dahil hindi ito ang dapat na ginagawa ng ama ng bayan.

Facebook Comments