PNP, 100% suportado ang bagong kalihim ng DILG

Naghayag ng buong suporta ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay dating Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo, umaasa sila na magagamit ni Sec. Remulla ang matagal na karanasan nito sa local government sa pagsisilbi sa DILG.

Aniya, sinumang maupo bilang DILG secretary ay full support naman dito ang PNP.


 

Ang pagkakatalaga kay Remulla ay kasunod ng pag-resign ni former DILG Secretary Benhur Abalos dahil sa pagsabak sa pulitika.

Samantala, mamaya magkakaroon ng turnover ceremony si outgoing SILG Abalos at incoming SILG Remulla sa DILG-NAPOLCOM center sa Quezon City.

Facebook Comments