PNP 12, City PNP handa na sa Semana Santa

Pinaghahandaan na ng mga otoridad sa buong rehiyon 12 ang nalalapit na
semana santa sa susunod na linggo.

Sinimulan na rin ang deployment mga kapulisan sa mga matataong lugar na
kinabibilangan ng terminal, airport, palengke , malls , simbahan at lugar
pasyalan ayon pa sa tagapagsalita ng PNP Region 12 SINS Aldrin Gonzales.

Layun nito na maisigurong ligtas ang obserbasyon ng mga mananampalatayang
katoliko kasabay rin ng mahabang bakasyon.


Muli namang nagpaalala ang mga taga Land Trasportation Office sa lahat
ng mga motorista at babyahe sa susunod na mga araw ng dobleng pag iingat.

Samantala sa Cotabato City, nagpapatuloy ang security measures ng City PNP
katuwang ang Joint Task Force Kutawato, 5th Special Forces at 6th ID .

PNP 12 Pic

Facebook Comments