Sinalakay ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang POGO compound sa Alabang Zapote Road, Almanza Uno, Las Pinas City.
Ayon kay Police Captain Michelle Sabino, ang Spokesperson ng Anti Cybercrime Group, nasa mahigit isang libong dayuhan ang isasailalim sa dokomentasyon.
Dagdag pa niya pinag-aaralan pa kung ano ano ba ang mga trabaho ng mga nakatira sa compound lalo na’t iba’t ibang lahi o foreign nationals ang naririto gaya na lamang ng Vietnamese, Singaporean, Malaysian.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang operasyon at imbestigasyon lalo na’t aminado ang Anti Cybercrime Group na nakapagligpit na ang mga tauhan sa mismong compound, tiniyak naman ng ahensiya na mahuhuli ang pasimuno ng mga scams at human trafficking sa lungsod.