PNP-ACG at Tiktok, magsasanib pwersa para labanan ang cybercrime

Nagsagawa kamakailan ng collaborative meeting ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at online platform na Tiktok sa Camp Crame.

Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Lt. Wallen Mae Arancillo, makikipagtulungan sila sa naturang online platform para palakasin ang kanilang kampanya sa cybercrime.

Paliwanag nito, talamak kasi ang buy and sell sa Tiktok at ito ang nagagamit sa online selling scam tulad ng pagbebenta ng substandard items.


Sa pamamagitan ng kolaborasyon, mas mabilis ang gagawing imbestigasyon ng ACG sa cybercrime dahil magkakaroon na ng focal person na pwedeng tumugon sa reklamo.

Magkakaroon din ng training sessions ang Tiktok sa PNP-ACG para sa kanilang investigation team na tututok sa mga cybercrime case.

Facebook Comments