PNP-ACG, naglatag ng mga hakbang upang labanan ang cybercrime cases sa bansa

Kasunod nang naitalang 152% na pagtaas ng cybercrime cases sa bansa sa unang quarter ng 2023.

Naglatag ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ng mga hakbang kung papaano ito lalabanan.

Ayon kay PNP-ACG Director PBGen. Sidney Hernia, pinaka-epektibong paraan parin ang information dissemination kung saan kanilang pinaiigting ang awareness campaign sa mga internet users.


Kinakailangan ding sanayin ang mga cyber cops upang maging epektibo sila sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Dapat din aniyang mag-invest sa mga makabagong kagamitan at patuloy na pakikipag-ugnayan sa ating mga counter parts sa ibang bansa dahil maituturing itong transnational crime.

Matatandaang base sa datos, nakapagtala ng 6,250 cybercrimes sa rehiyon mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kung saan malaking pagtaas ito mula sa 2,477 cybercrimes na naitala sa NCR mula Enero hanggang Hunyo 2022.

Facebook Comments