PNP-ACG, nakapagtala ng pagtaas sa krimen na may kinalaman sa pagpapakalat ng maseselang litrato at video

Muling nagpaalala ang Philippine National Police Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) partikular sa mga magkasintahan na panatiliing pribado ang kanilang sexual activity.

Ginawa ni PNP-ACG Spokesperson Lt. Wallen Arancillo ang paalala kasunod nang pagkakaresto sa isang transgender woman na nagpakalat ng mga hubad na litrato at video ng kanyang ex-boyfriend.

Ayon kay Arancillo, base sa kanilang datos patuloy ang pagtaas ng kaso ng krimen na may kinalaman sa pagkuha at pagpapakalat ng mga hubad na litrato at video.
Mula January 1 hanggang August 15, 2024, 238 ang mga kasong may kaugnayan sa crime of photo and video voyeurism.


Mas mataas ito kumpara sa 209 na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.

Hindi pa aniya kasama sa mga nabanggit na bilang ang mga kahalintulad ding reklamo sa ibang law enforcement agencies ng gobyerno.

Karaniwang ugat ng mga krimen na ito ayon sa PNP-ACG ay ang labis na pagmamahalan na nauuwi minsan sa palitan ng maseselang litrato at video at kapag naghiwalay na ay ginagamit ito na pangblackmail o panakot.

Facebook Comments