PNP-ACG: SIM card registration, nakatulong sa pagbaba ng cybercrime

Malaki ang ibinaba ng cybercrime sa bansa.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Police BGen Sydney Hernia, kung saan base sa kanilang datos, mula August hanggang December 2023, umabot lang sa 6,385 ang cybercrime ang kanilang naitala na mas mababa kumpara sa 14, 893 na cybercrime cases na naitala mula January hanggang July 2023.

Paliwanag ni Hernia, naging epektibo ang kanilang deactivation process para sa unregistered SIM cards na sinimulan noong July 26, 2023.


Dahil aniya sa SIM Registration Act, na-obiliga ang mga prepaid at postpaid SIM cards users na sumunod sa regulatory measures ng mga telecommunication companies.

Facebook Comments