PNP, AFP, PCG at BFP, bumuo ng joint task force para sa maayos na pagpapatupad ng Luzon-Wide Enchanced Community Quarantine guidelines

Bumuo ng joint task force ang Philippine National Police, Armed Force of the Philippines, Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa maayos na pagpapatupad ng guidelines sa umiiral na Luzon-Wide Enchanced Community Quarantine.

Sa interview ng RMN manila kay PNP Deputy Chief For Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, pamumunuan niya ang joint task force na naglalayong masigurong tama ang pagpapatupad ng guidelines ng inter-agency task force on emerging infectious disease sa mga check point areas.

Ang pagbuo ng joint task force ay kasunod ng mga aberyang naranasan sa mga checkpoint sa unang araw ng Luzon-Wide Enchanced Community Quarantine kung saan kabilang dito ang hindi pagpapapasok sa isang doktor na magdu-duty sana sa ospital sa metro manila at pasyenteng may sakit na nakasakay sa taxi.


Bunson nito, nagbigay ng direktiba si Eleazar sa mga nakatalaga sa mga check point na gamitin ang kanilang practical judgement o common sense.

Facebook Comments