PNP, all-out war sa New Peoples Army

Ipinatutupad ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang “all out war” laban sa New Peoples Army (NPA).

Pahayag ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa makaraang ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang alok na 2 milyong pisong pabuya para sa impormasyon na ikadarakip ng mga lider ng NPA.

Sinabi ni PNP Chief na ang alok ng Pangulo ay itinuturing nilang senyales na kailangang paigtingin ng PNP ang pagneutralize sa NPA.


Aniya pa kahit abala ang PNP sa pakikipaglaban sa COVID 19, nananatili silang “motivated” sa kampanya kontra sa NPA.

Noon aniyang may ceasfire, patuloy din naman ang pag-atake ng mga NPA sa mga pulis at sundalo na tumutulong sa mga mamayan sa gitna ng krisis pangkalusugan.

Ngayon aniyang wala nang ceasefire, Wala nang hadlang sa PNP para ituloy ang “All-Out War” sa NPA.

Facebook Comments