PNP, aminadong hirap na matukoy ang eksaktong lokasyon ni Quiboloy sa KOJC compound

Nasa pang-11 araw na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap sa puganteng si Apollo Quiboloy sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Aminado si PNP Public Information Office (PIO) Chief Col. Jean Fajardo, na nahihirapan silang mahanap ang eksaktong lokasyon ng underground facility na may nade-detect na human life.

Ito’y dahil sa patuloy na resistance ng mga myembro ng KOJC.


Nauna nang sinabi ng PNP na ang naturang pasilidad ay gawa sa makakapal na bato at makakapal na metal o bakal.

Sa ngayon, halos 50% pa rin ang nahahalughog ng PNP na lugar sa compound.

Sa huli, idiniin ni Col. Fajardo, na naniniwala pa rin silang nasa loob lamang ng KOJC compound si Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito na wanted sa qualified human trafficking at child sexual abuse.

Facebook Comments