
Malaking hamon para sa Philippine National Police (PNP) ang pagtutugma ng DNA ng mga nawawalang sabungero sa mga butong narekober mula sa Taal Lake.
Ayon kay Police Lt. Col. Edmar Dela Torre, hepe ng DNA Laboratory ng PNP Forensic Group, masalimuot ang proseso mula sa pagpapatuyo ng mga buto hanggang sa pagtukoy kung ito’y buto ng tao o hayop.
Aniya, very challenging ang proseso lalo na’t galing sa ilalim ng tubig ang mga buto dahil may epekto ang pagkababad sa lawa sa kondisyon ng mga buto, kaya doble ingat at masusing pagsusuri ang kailangan.
Paliwanag pa ni Dela Torre, kapag nasala na saka pa lamang ppwedeng buuin ang DNA profile mula sa mga ito na ikukumpara naman sa mga DNA ng kaanak ng mga biktima, lalo na ng mga magulang at anak.
Kasunod nito, binigyang-diin ni Dela Torre na kahit mahirap ang proseso, kanilang sinisiguro na matagal na ang kanilang protocol na kinikilala ng korte.









