PNP, aminadong hirap solusyonan ang krimen gamit ang mga Transport Network Vehicles Services

Manila, Philippines – Pag-aaralan ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung paano masosolusyunan ang mga krimen gamit ang Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa bansa.

Kasunod ito ng pagkakapatay kay Gerardo Maquidato Jr. ang Grab drayber na pinatay mismo ng kanyang pasahero gamit ang TNVS na Grab.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, sa ngayon ang nakikita niyang solusyon sa pagresolba sa krimen ay ang pagkakaroon ng national ID system.


Ito ay upang agad na matutukoy ng PNP ang gumawa ng krimen sa pamamagitan ng national ID nang sa ganun magkakaroon ng mapayapang Pilipinas.

Pero habang hindi pa naisasabatas ang pagkakaroon ng National ID system aminado si PNP Chief Dela Rosa na nahihirapan silang solusyonan ang mga ganitong uri ng krimen lalo’t cyber world na ang panahon ngayon.

Facebook Comments