PNP Anti-Cybercrime Group, aminadong hindi lahat ng kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan ay naire-report sa pulisya

Kumbinsido ang Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police na may underreporting sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan.

Ayon kay PNP-ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo, maraming mga biktima ang hindi nagsusumbong sa mga otoridad dahil narin sa takot.

Ang iba naman ang takot ding mapahiya lalo na kung kamag-anak nila ang suspek.


Aminado rin ang PNP-ACG na kulang sa awareness campaign nang sa ganon ay mahikayat ang mga biktima na lumutang at magsumbong sa pulisya.

Base sa datos ng PNP ACG mula Enero hanggang Mayo 2024, tumaas ang kaso ng krimen online sa mga kabataan sa 175.

Ito’y mula sa 139 na kaso sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Facebook Comments