Umaapela ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) sa publiko na ‘wag nalang pansinin ang mga natatanggap na spam text messages.
Ayon kay PNP ACG Spokesperson Police Lt. Michelle Sabino, titigil lang ang mga scammer sa pagpapadala ng mga spam messages kung wala nang pumapansin sa kanila at kung wala silang mabibiktima.
Sinabi pa ni Sabino na random ang pagpapadala ng mga scam text messages at kung sino ang kumagat siya ang susunod na mabibiktima.
Paliwanag pa nito, hirap ang mga imbestigador sa pagtunton ng pinagmulan ng mga spam messages, kahit kasi may makuha silang warrant to disclose computer data ay wala ding pangalan na naka-rehistro sa mga pre-paid sim card na syang ginagamit ng mga scammer.
Facebook Comments