Makukulong ng 6 hanggang 12 taon ang sinumang mapatunayang nagpapakalat ng fake news tungkol sa Novel coronavirus o nCoV.
Babala ito ni Police Captain Jeck Robin Gammad, taga-pagsalita ng Anti-Cybercrime Group o ACG, kasabay ng pahayag na may na trace sila na 6 na fake news na kumakalat sa social media sa kasalukuyan.
Ayon Kay Gammad, kapag na monitor nila ang fake news, bineberipika nila ito sa official sources, at kung mapatunayang peke ay ni-rereport nila sa Facebook Philippines para i take-down ang original post.
Sinabi ni Gammad na original poster ay mahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 90 o Unlawful Rumor-Mongering and Spreading of False Information.
Dahil aniya sa Cybercrime Prevention Act, sa halip na prison correctional ay aakyat ang kaparusahan sa prison mayor.
Posible din aniyang may pananagutan ang mga mag-share Lang ng fake news, kaya paalala ni Gamad sa netizens, huwag basta-basta magpasa ng hindi beripikadong impormasyon sa social media.