Humiling ang PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ng karagdagang ahente para palakasin ang kanilang manpower bunsod ng dumaraming insidente ng kidnappings.
Ayon kay PNP-AKG Luzon Field Unit Chief, Lt/Col. Villaflor Banawagan, kasabay ng pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa, tumataas din ang bilang ng kidnappings.
Aabot sa 321 police officers at personnel ang nakatalaga sa AKG Main Office sa Kampo Krame at Field Offices sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Nangangailangan sila ng dagdag na 162 na tauhan.
Sa datos ng PNP-AKG mula Enero hanggang Nobyembre, umabot sa 36 ang naitala nilang Casino-related kidnappings.
Nasa anim na POGO-related kidnappings naman ang naitala ng akg mula nitong Enero.
Facebook Comments