PNP ARMM namahagi ng Papel at Lapis sa mga istudyante ng Parang Maguindanao

Nasa 1, 100 na mga mag aaral ng Punta Central Elementary School sa Parang Maguindanao ang nakabiyaya ng school supplies mula sa PNP ARMM.

Layun ng outreach program ay bilang pagpapkita ng suporta sa karapatan ng mga kabataan ng makapag-aral at suporta ng mga kapulisan sa Balik Eskwela 2018 ayon pa kay SI Jemar Delos Santos, spokesperson ng PNP ARMM.

Nanguna sa aktibidad ang PRO ARMM Regional Mobile Force Battalion sa ilalim ng liderato ni Force Commander PSUPT DANILO BACAS base na rin sa direktiba ni PRO ARMM Director CSupt Graciano Mijares.


Tema ng aktibidad ay “PAPEL AT LAPIS NA BIGAY MO, TUNGO SA MAGANDANG KINABUKASAN KO”.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga istudyante sa ipinagkaloob sa kanila ng mga kapulisan.

Maliban sa Papel at Lapis , pinasaya pa ng mga pulis ang mga mag aaral sa pamamagitan ng Puppet Show.

PRO ARMM Pic

Facebook Comments