Sinisilip na ng Philippine National Police (PNP) ang paghingi ng karagdagang tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatrolya ngayong papalapit na ang Pasko.
Pahayag ito ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasunod ng pagpayag ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro na magbigay ng augmentation forces sa PNP sakaling kulangin ang pulisya sa taong made-deploy ngayong holiday season.
Ayon kay Azurin, inaasahan kasi ang pagidami ng tao ngayong ber months kaya dapat palakasin pa ang presensya ng pulis sa ilang lugar sa bansa tulad ng Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Cebu, Davao, at Baguio City.
Paliwanag pa ng opisyal, nagawa na itong buddy-buddy system sa pagitan ng PNP at AFP noong panahon ni dating PNP Chief Ping Lacson.