PNP at AFP, Suportado ang Anti-Terror Bill

Suportado ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpasa ng Kongreso sa panukalang Anti-Terror Bill.

Binigyang-diin ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na hindi mabibilang ang mga buhay at ari-ariang nawala dahil sa terrorismo na nagdudulot ng takot at pangamba sa publiko.

Aniya, mabuti pa ring ipasa ito kahit pa nahuhuli na ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya at Pasipiko na nagpasa ng nasabing batas laban sa mga terorista.


Sinabi naman ni AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo na wala namang madaragdag sa kapangyarihan ng mga sundalo dahil sa pagpasa ng nasabing batas.

Iginiit ni Arevalo na binibigyan lang ng ngipin ang batas laban naman sa mga terrorista at galamay nito para mapigilan ang mga masama nilang balak at mapanagot sa mga umiiral na batas.

Facebook Comments