Pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na makumpiska ang ill-gotten wealth ng mga drug lords at iba pang big-time na kriminal.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kahapon ay nilagdaan ang Memorandum of Agreement nina PNP Chief Police General Debold Sinas at AMLC Executive Director Mel Georgie Racela sa Camp Crame.
Sa pamamagitan ng MOA, nagkaroon ng “PNP-AMLC Fusion Center” sa loob ng Camp Crame para sa maayos na koordinasyon sa paghahabol sa malalaking halaga ng pera ng mga kriminal.
Ang Fusion Center ay inaasahang magpapalakas sa kampanya kontra sa money laundering, terrorist financing, at iba pang krimen sa pamamagitan ng paglikom ng impormasyon mula sa iba’t ibang sources.
Sinabi pa ni Eleazar, sa Estados Unidos at sa iba pang bansa, kalimitan ay nahuhuli nila ang mga big-time criminals sa pamamagitan ng pag-track ng kanilang mga “financial transactions”.