PNP at DOJ, magpupulong kaugnay ng mga kasong kinaharap ni Quiboloy

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) kaugnay sa mga kasong kinakaharap ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quibuloy at mga kapwa akusado nito.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo may kaugnayan ang pulong hinggil sa problema sa schedule ng arraignment nito sa Quezon City Regional Trial Court at Pasig Regional Trial Court.

Ani Fajardo, magkasabay sa Biyernes ang arraignment sa kasong child at sexual abuse at qualified human trafficking ni Quibuloy at 4 na kapwa akusado.


Aniya, ang DOJ kasi ang may hawak ng kaso kaya ang prosecutor ang gagawa ng motion o manifestation sa scheduling ng arraignment.

Samantala, nilinaw rin nito na hindi na ni-require ng QC RTC at Pasig RTC sina Quibuloy na humarap sa korte para sa return of warrant dahil sa seguridad.

Kahapon ng hapon kasi isinagawa ang return of warrant kasabay nang pagharap nila Quiboloy sa publiko matapos masukol ng mga awtoridad.

Sa ngayon, maayos naman aniya ang lagay ng mga bagong detainee sa PNP Custodial Center bagama’t nagkakaroon pa sila ng konting adjustment.

Facebook Comments