PNP at FDA, tutugisin ang mga nagpapakalat ng peke at hindi lisensyadong COVID-19 vaccines

Pinagtibay ng Philippine National Police ang suporta nito sa Food and Drug Administration (FDA) na habulin ang mga COVID-19 vaccines na ilegal na ibinebenta sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, makikipagpulong ang ilang police officers sa mga opisyal ng FDA para bumuo ng operational plan laban sa mga nagpapakalat ng peke at hindi rehistradong bakunang ibinebenta sa black market.

Hinahabol na rin ng Anti-Cybercrime Group ang mga pekeng bakuna lalo na at ini-aalok na rin ito online.


Facebook Comments