PNP at Grupong Bayan Muna, inaasayang magkakaroon ng last-minute dialogue ngayong umaga

Patuloy ang pag dating ng pro-Marcos dito sa Liwasang Bonifacio kung saan ang ilan sa kanila ay nagpalipas pa ng magdamag.

Ito ay para makiisa sa inagurasyon ng ika-17 Presidente ng bansa na si President-elect Bongbong Marcos.

Ayon kay Plt. Col. Julius Domingo, pinuno ng district community affairs and development division ng Manila Police District (MPD), magkakaroon ng last-minute dialogue sa mga militanteng grupo.


Gaganapin ang pagpupulong sa Estate Hotel sa Quiapo, Manila upang pag-usapan ang detalye ng protest rally ng Grupong Bayan Muna.

Nais kasing pakiusapan ng MPD ang mga anti-Marcos na sa Plaza Miranda na idaos ang gagawing kilos-protesta at wag ng humalo sa pro-Marcos na nasa Liwasang Bonifacio.

Ito ay para maiwasan ang kaguluhan at maipahayag ng maayos ang saloobin ng magkabilang grupo.

Samantala, nakahanda ang puwersa ng kapulisan, mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), mga tauhan ng Manila Local Government Unit (LGU) dito sa Liwasang Bonifacio upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lugar.

Facebook Comments