PNP at ilang LGUs, nagpahayag na rin ng kahandaan na tumulong sa mga nabiktima ng lindol sa Turkiye

Nag-volunteer na rin ang 16-man search and rescue team ng Philippine National Police para tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson at Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV maging ang ilang Local Government Units ay nais ding sumama sa misyon sa Turkiye.

Ani Alejandro, partikular na nagpahayag ng kahandaan na sumama sa Turkiye ay ang mga search and rescue teams ng Davao, Pasig at BARMM LGU.


Pero kailangan aniyang makapasa sa international search and rescue standards ang mga ipapadalang rescue team ng Pilipinas at dapat may approval ng Turkish government.

Sa ngayon, nasa Andiyaman, Turkiye na ang Inter-Agency contingent ng Pilipinas at nagsasagawa na ng Emergency Medical and Urban Search and Rescue operations.

Base sa inisyal na report nasa 60 gusali ang nag-collapse sa Andiyaman, Turkiye.

Facebook Comments