Magtutulungan ang Local Government Units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) upang tutukan ang mga betting stations at cockpit arenas na nag-o-operate ng -sabong sa kani-kanilang lugar.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kaagad nilang ipatutupad ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa.
Mag-iikot din aniya ang mga pulis sa mga e-sabong outlets at cockpit arenas kung saan nagaganap ang recording at streaming upang matiyak na sarado na ang mga ito.
Dagdag pa ni Año na ang kautusan ay epektibo na kahit pa walang implementing rules and regulations (IRR) dahil nagpalabas na ng memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Samantala, ang mga lalabag naman sa naturang kautusan ay aarestuhin.